Panimula
Marami sa atin ang gustong kumita kaagad ng malaking pera. Kaya ang daming sumasali

sa lotto at sa iba pang mga sugal. Ang problema doon, walang kasiguraduhan ang iyong kalalagayan. Sa milyon na tumataya, swertihan na kung manalo ang isa.
Dito sa ipapakita ko sa inyo, kelangan mo ng tiyaga upang makamit mo ang kita bawat buwan. Pandagdag ito sa ating buwanang sweldo. Ngunit ang mahalaga sa lahat, hindi ito scam. Wala kang ilalabas o isusugal na pera dito. Madali pang gawin, hindi ka kailangang magbuhat ng mabibigat na bagay o di kaya'y isuong ang buhay mo sa mga mapanganib na sitwasyon. Kadalasan nga nakaupo ka lang dito. At hindi kelangang nakapagtapos ka ng kurso. Kahit nasa mataas na paaralan ka pa nga, pwede ka dito (dapat nga lang lampas ka na 18 anyos). Hindi gaanong karamihan sa ating mga Pilipino ang sumali dito, pero yung mga sumali noon at nagpatuloy, nararanasan na nila ang bunga ng kanilang pagtitiyaga.
Muli, hindi po ito scam. Tunay na pera ang makukuha mo dito, dollars pa nga (walang biro, sersoyo po ako). Pero uulitin ko po, HINDI PO ITO MADALIANG KITA katulad ng ipina-ngangalandakan ng iba diyan. Kung inyong iisipin, parang patak-patak lang na halaga ang iyong makukuha dito.

Pero kung tumagal ka dito, yung patak-patak na iyon ay maiipon. Mapupuno din ang sisidlan, di ba?
Kung gusto mong malaman kung anong paraan ito, magpatuloy ka sa pagbabasa.
Ang mga pangunahin mong kakailanganin ay ang mga sumusunod:
1. computer
2. internet connection
3. mga 2-3 oras lamang sa isang araw (kung masipag ka, hanggang 4-5 oras)
Ano ang iyong gagawin? Sumali sa mga tinaguriang Paid-to-click (PTC) sites sa internet. Ano ang ibig sabihin ng "paid-to-click"? Ito ay isang gawain na magki-clik ka ng ilang "links" ng isang site at bibigyan ka ng bayad. Meron mga sites na ang bigay ay 1 cent (US) per click (ibig sabihin ay 40 centavos sa Philippine currency per click) at ang iba naman ay mas mababa. Walang bayad ang pagsali sa mga sites na ito. Sila ang magbabayad sa inyo sa pag-click ng mga links nila.
Ang una nating gagawin ay ang magbukas ng account sa isang "Payment Processor." Masasabi natin na ang mga "Payment Processor" ay mga "online bank." Dito natin ilalagak ang ating kinita. Dalawa ang ginagamit ngayon ng mga tinatawag nating PTC sites: Alert Pay at Paypal. Unahin natin ang ALERT PAY:
1. I-klik ang ALERT PAY banner.

2. Kapag lumabas na yung Alert Pay webpage, i-klik nyo yung mga katagang "Sign
Up" sa bandang itaas, gawing kanan ng pahina.
3. I-klik ninyo yung down arrow malapit sa mg katagang "Choose your Country" at piliin ang Philippines.
4. I-klik na ninyo yung mga katagang "Get Started" sa ilalim ng hanay ng "Personal Starter."
5. Punuin na ninyo yung mga hinihingi nilang info. ang payo ko, huwag mo muna ibigay ang tunay mong address dahil pwede mo namang palitan ito. Pero ang pangalan mong ilalagay ay yung TUNAY mong pangalan.
6. Kumpletuhin ang pagbuo ng account.
Ngayon ituturo ko sa inyo ang "step by step guide" kung paano sumali:
- Una sa lahat, gumawa ka ng bagong email address mo. Payo ko, GMAIL gamitin mo. Wag mong gamitin ang tunay mong pangalan dito. Isipin natin ang "safety" ng iyong personal na information palagi (at tsaka, siguradong malalagyan ng spam mail itong bagong email address mo).
- Gamitin natin ang site na ito sa pagsali. I-click mo yung banner ng bux.to:
Lalabas ang "Main page" ng Bux.to. i-klik mo yung "Register" (makikita ito sa bandang kanan, itaas ng webpage). - Punuin mo na yung form patungkol sa iyong personal info. Ilagay ang inyong "Username" (suggestion ko, ang gamitin mong username ay yung gamit mo din sa email mo: halimbawa kung ang email mo ay batanes2008@***.com, ang pwede mong username ay batanes2008).
- Ilagay mo ang "Password" mo.
- I-type mo din ang "Email Address" mo (yung ginawa mo sa #1 kanina).
- I-type mo din yung "Alert Pay Email Address" na ginamit mo sa pagbuo ng Alert Pay account kanina.
- Piliin mo ang "Philippines" para sa country.
- Tapos, i-klik mo yung box na may may katagang "I Accept Terms of Service."
- I-type mo naman yung "Security Code."
- Pang-huli, i-klik mo na yung "Register" button.
Ngayong naka-register ka na, ituturo ko kung paano ka na kikita:
- Puntahan mo yung http://bux.to.
- I-klik mo yung mga salitang "Login" sa bandang itaas, gawing kanan ng webpage. lalabas ang "Login" webpage.
- I-type mo na ang iyong "Username," ang password mo, at yung mga letra at numero ng "Security Code."
- Kapag nakalog-in ka na, i-klik mo yung mga salitang "Surf Ads" sa may bandang itaas ng webpage. Lalabas na ang webpage na may nakasulat "Surf Ads - Visit Websites."
- I-klik mo yung unang adlink sa ilalim ng mga katagang "Computers & Internet." Kung firefox ang gamit mo, lilitaw ang panibagong tab. Duon sa panibagong tab lalabas yung ad at sa bandang itaas, gawing kaliwa ng webpage, lilitaw ang isang timer na merong countdown. pagkatapos ng countdown, lilitaw ang salitang "Done" at isang checkmark. Ibig sabihin nito, meron ka nang 1 cent (US). isarado mo na yung tab ng ad.
- Balik ka sa tab page ng "Surf Ads - Visit Websites" at i-klik yung susunod na adlink. Isa-isa lang ang pag-click ng adlinks. Dapat munang lumitaw yung salitang "Done" at checkmark at isarado mo yung ad tab bago ka mag-click ng panibagong ad.
- Kapag na-click mo na lahat yung ads, i-click mo yung mga katagang "My Stats." Duon sa webpage na iyon nakatala ang iyong kinita.
- Ang payo ko, puntahan mo ang http://bux.to isang beses isang araw sa umaga. Ganito din ang gawin mo sa iba pang mga paid-to-click sites.
Ngayon, ang sa ganitong proseso na araw na araw na pagclick at paghanap ng mga mgarerefer mo, siguradong kikita ka at hindi tatagal ay makakapagcashout kana sa Alertpay (or Paypal, depende kung saan kung anong PTC site ka nagsignup). So pano mo makukuha ang pera na kinashout mo? Maraming paraan actually pero ang isa sa mga pinakapopular at siguradong paraan (kung wala kapang credit card) ay ang pagapply ng UnionBank Eon Cyber Account para sa kanilang Eon Debit Card. Sobrang dali lang ng prosesong ito. Check nyo sa site na ito yung mga guide para makapagwithdraw sa Eon Debit Card [PMT].
Ang listahan ng mga iba pang matitino at mapapagkatiwalaan na PTC sites ay ung nasa main post ko. Click na at kumita!